
Kaabang-abang ang bagong variety show na pagbibidahan nina Pokwang, Kuya Kim Atienza, at Rabiya Mateo sa GMA.
Ngayong July 2022, bibida ang tatlong Kapuso stars sa TiktoClock, isang one-of-a-kind countdown variety show kung saan every minute counts.
Photo source: itspokwang27 | kuyakim_atienza | rabiyamateo (IG)
Mapapanood sa exciting na programang ito ang iba't ibang mga fun segments. Isa sa mga ito ay ang pagalingan sa kantahan kung saan ang goal ng bawat contender ay ma-impress ang judges sa loob ng isang minuto.
Sa mga mahihilig sumayaw, abangan ang isang interactive dance segment kung saan puwedeng manalo ang studio audience and home viewers. Tutukan din ang mga energetic studio games ng TiktoClock kung saan magkakaroon naman ng pagkakataon na manalo ang audience ng instant cash prize. Makihula kung sino ang mananalo at pwede ka ring mag-uwi ng premyo!
Mapapanood din sa TiktoClock ang ilang mga Kapuso stars para gumanap bilang hosts, players, performers o judges.
Abangan ang nalalapit na pagsasama ng TicktoClock Tropa na sina Pokwang, Kuya Kim, at Rabiya ngayong July sa GMA Network!