GMA Logo pokwang
What's Hot

Pokwang, lubos ang pasasalamat sa panibagong trabaho

By Aedrianne Acar
Published June 2, 2021 12:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Pokwang, sa kanyang pagbabalik-trabaho: "Minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya."

Lubos ang pasasalamat ng comedy actress na si Pokwang dahil sa pagbabalik niya sa trabaho.

Tulad ng maraming celebrities, matindi ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa trabaho ni Pokwang bilang artista.

sa Instagram post ngayong araw, June 2, todo ang pasasalamat niya sa Diyos sa natanggap niyang blessing.

May kalakaip na #Backtowork din ang naturang post ni Pokwang.

“Goodmorning 🏼️ minsan di ko alam talaga kung deserve ko nga talaga lahat ng biyaya at mga dasal na sinasagot mo Lord God 🏼 pero sa pagkakaalam ko nararapat lang na ikay pasalamat sa lahat ng ganap sa aking buhay maganda man o hindi dahil alam ko lahat ng ito ay pagmamahal mo ang dahilan kaya naririto ako at nakaka survive 🏼 i love you at salamat po..... #Backtowork.”

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Matatandaan na napanood sa GMA Network si Pokwang noong nakaraang taon dahil sa viral guest appearance niya sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

Habang pansamantalang natigil sa showbiz, naging abala si Pokwang sa pag-aalaga sa kanyang American partner na si Lee O'Brian at kanilang anak na si Malia Francine, na ipinaganak niya noong January 2018.

May panganay din siyang babae na si Mae na anak niya sa dating kinakasama.

Kilalanin ang adorable baby nina Mommy Pokwang at Daddy Lee na si Baby Malia sa gallery below: