
Mapapanood na ngayong Linggo ang guesting ng bagong Kapuso na si Pokwang sa The Boobay and Tekla Show.
Sa episode ngayong June 20, iwe-welcome nina Boobay at Tekla si Pokwang sa Kapuso Network.
Magkakaroon ng emosyonal na kuwentuhan ang tatlo sa "May Pa-PressCon." Ibabahagi ni Pokwang ang kaniyang dahilan sa paglipat sa GMA at iba pang mga istorya sa kaniyang buhay.
Photo source: The Boobay and Tekla Show
Siyempre hindi mawawala ang mga tawanan at kulitan sa tatlong comedy stars. Sa "Kayang-kaya, Gayang-gaya," mapapatunayan ang galing ni Pokwang sa pag impersonate ng iba't ibang personalidad. Sa segment naman na "Don't English Me", sina Pokwang, Boobay at Tekla makikipag-compete sa The Mema Squad na sina Ian Red, Pepita, Bakclash Echo at Jennie Gabriel.
Abangan ang masayang episode na ito ngayong June 20, 10:15 p.m. sa GMA Network.
Related content:
Pokwang, inaming 2019 pa siya lumapit sa GMA Network
Pokwang, emosyonal sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career