GMA Logo Pokwang and Eugene Domingo
What's Hot

Pokwang, may mensahe kay Eugene Domingo at ibang mga nakasama sa bagong pelikula

By Maine Aquino
Published August 1, 2023 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang and Eugene Domingo


Mapapanood sina Pokwang at Eugene Domingo soon sa pelikulang 'Becky and Badette'.

Nagtapos na ang taping ng pelikulang Becky at Badette kung saan magsasama ang dalawang mahuhusay na aktres na sina Pokwang at Eugene Domingo.

Ibinahagi ni Pokwang ang good news na ito sa isang Instagram post.

Saad ni Pokwang, natapos na ang taping nila noong July 29.

"Last night 7-29-2023 nakatapos kami ng isang napaka sayang pelikula at nangangako kaming lalabas kayo sa sinehan ng naka tawa, grabe ang eksena mula umpisa ng kwento hanggang sa matapos promise tatawa ka lang malilimutan mo mga daot sa paligid mo hhahahhahaa kaya paka abangan nyo sila #BeckyandBadette."

Nagpasalamat naman ang TiktoClock host sa mga taong kabilang sa paggawa ng pelikulang ito.

RELATED GALLERY: LOOK: Pokwang's most stunning photos


Ani Pokwang, "thank you direk Jun Lana Robles grabe ka ang taba ng iyong utak woohoo salamat sa laugh trip na pelikula na napapanahon 🙏🏼 thank you sa tiwala at congratulations @theideafirstcompany @attyjoji @percinotpercy @15elmstreet grabe kayo 🙏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼👏🏼 sa lahat ng kasama at katuwang sa pelikulang ito, salamat sa inyo mabuhay kayo!!!"

Isang post na ibinahagi ni Marietta Subong (@itspokwang27)

Pinasalamatan din ng Kapuso star ang mga artistang kabilang sa Becky at Badette. Sila ay sina Agot Isidro, Ice Seguerra, Christian Bables, Iza Calzado, Karylle, Sunshine Dizon, at Romnick Sarmenta.

"Thank you @agotisidro sa wakas nakatrabho din kita woohoo 👏🏼👏🏼👏🏼sa mga artistang nagpa unlak at nag laan ng oras para makadagdag saya sa pelikulang sabog sa tawa maraming salamat sa inyo @iceseguerra @moiradelatorre @christiaaan06 @missizacalzado @anakarylle Sunshine Dizon, at dati tinitiliian ko sa Thats Entertainment at iniiyakan sa Gulong ngbpalad si Peping @sarmentaromnick na ngayon ay nayakap ko personal at nakaka proud na nakatrabaho kita ❤️ salamat"

PHOTO SOURCE: itspokwang27

Sa huli ay nagpasalamat si Pokwang sa kaniyang "sis" at kasamang bibida sa pelikula na si Eugene.

Ani Pokwang, "To my sis, idol @eugenedomingo_official pang apat na movie na natin ito pero ibat ibang atake lagi at napapamangha mo ako grabe sis! salamat sis mahal ka namin ng ina anak mong susunod sa yapak mo si @malia_obrian hahahhahaaha love you sis!!! BOGSH!!!!! ❤️ #BeckyandBadette SOON!!!"

Abangan ang pagbibidahan nina Pokwang at Eugene na Becky at Badette soon sa mga sinehan.