
Masaya man si Pokwang sa kanyang bagong tahanan sa GMA Network ay may mga tao pa rin na kumukwestiyon sa kanyang loyalty dahil sa pagpili nitong lumipat ng network.
Sinagot ito ni Pokwang nang bumisita siya sa The Boobay and Tekla Show nitong June 20.
Saad ng bagong Kapuso comedian, "Hindi ko naman sila masisisi."
Photo source: The Boobay and Tekla Show
Ayon kay Pokwang, ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon at paniniwala.
"Tayo naman may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero kasi ang pananaw ko po sa buhay ko is 'yung utang na loob hindi mawawala. Habangbuhay nandoon 'yun.
"Kahit saan ako nanggaling, kahit sino ka, kung sino man 'yung ano, hindi mawawala, at hindi dapat inaalis 'yun sa puso mo."
Paliwanag rin ni Pokwang na kailangan niyang gawin ang desisyon na ito para sa kanyang pamilya.
"Pero tandaan po natin na 'yung pamilya po natin, sila po 'yung dahilan kung bakit po tayo patuloy na lumalaban sa kabila ng mga nangyayaring ito."
Hiling niya na maintindihan siya dahil maraming umaasa sa kanya.
"Naiintindihan ko, nauunawaan ko 'yan. Pero sana unawain din po ninyo, nanay din po ako. Marami pong umaasa sa akin, marami rin pong umaasa sa akin, marami rin po akong gustong matulungan pa."
Panoorin ang kabuuang kuwentuhan nina Pokwang, Boobay, at Tekla sa video.
Tingnan naman ang ginanap na contract signing ni Pokwang sa GMA Artist Center sa gallery na ito: