GMA Logo pokwang
What's Hot

Pokwang, muntik nang nakunan dahil sa stress kay Lee O' Brian

By Kristine Kang
Published July 17, 2024 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Nagsalita na si Pokwang tungkol sa kaniyang dinanas noon kay Lee O' Brian.

Maraming netizens ang nagulat sa mga ibinunyag ni Pokwang tungkol sa kaniyang dating relasyon kay Lee O' Brian.

Sa kaniyang panayam kasama ang showbiz columnist na si Ogie Diaz, naging emosyonal ang TiktoClock host habang ikinuwento niya ang kaniyang mga dinanas noon dahil sa kaniyang ex-partner.

Nagsimula na pala ang kanilang awayan noong buntis pa si Pokwang sa kanilang anak na si Malia. Dati raw nahuli ni Pokwang ang dating partner na punupusuan ang sexy photos sa social media. Nang kinomprotahan niya ang aktor, biglang minura siya nito at binuhusan pa ng tubig habang siya'y nagpapahinga.

Naranasan pa ni Pokwang na lumayas sa kanilang bahay kahit maselan ang kaniyang pagbubuntis. Mas masakit pa, hindi man lang nag-alala o hinanap siya ni Lee.

"Pero hindi ako hinanap, kusa akong umuwi kasi si Mae Mae nag-internship sa Europe. Nagtataka si Mae-Mae, 'Asan ka ba? Ba't ganiyan-ganiyan?' Umuwi na lang ako kasi baka makahalata 'yung bata. Ayoko mag-alala anak ko kasi nasa malayo siya, e. Umuwi ako never ako hinanap niyan," paliwanag ni Pokwang.

Inamin din ng Kapuso aktres na madalas muntikan nang makunan siya dahil sa stress.

Aniya, "Ilang beses akong muntik makunan. Ilang beses akong nakunan dahil sa stress sa kanya. Kung hindi ko pinaglaban si Malia, na ini-injection ako ng pampa kapit, walang Malia dahil sa stress ko sa kaniya. Pinaglaban ko lang, 'di ba?"

Nagbago naman daw kahit papano si Lee nang ipinanganak niya si Malia. Ngunit naging iresponsableng ama at partner ang aktor kahit siya'y nasa Pilipinas pa noon.

"Mahal niya dahil bata. Pero 'yung ginampanan niya pagiging ama, never. Hindi nga siya nag-effort na mag-ayos kami ulit, 'di ba? Kung talagang mahal niya 'yung anak niya. Kung talagang mahal niya kami gagawa ng effort 'yan. Parang feeling ko gumawa siya ng paraan para makaalis," sabi niya.

Pinili noon ni Pokwang itago ang lahat ng ito sa publiko, kaibigan, at pati sa kaniyang mga anak. Dahil ama ni Malia si Lee, nais raw sana ni Pokwang na ayusin ang kanilang pamilya kahit siya'y nasasaktan.

Ngayon, nananatiling standby ang panig ng aktres kung sakali bumalik sa bansa ang kaniyang former partner. Handa na raw siya kasuhan ito ng Violence Against Women and Children (VAWC).

Nang tanungin kung sasabihin ba niya ang kanilang isyu sa kanilang anak, matapang sinagot ni Pokwang na wala siyang itatago kay Malia.

Kuwento ni Pokwang, "Wala naman akong isisikreto sa kaniya, e. Ako, sa mga anak ko lahat ng nangyari sa buhay ko kahit si Mae Mae, alam nila wala akong sinesekreto."

Sa dulo ng kaniyang panayam, nagbigay ng mensahe si Pokwang sa mga kagaya niyang ina o asawa na biktima rin ng ganitong abuse.

"Unang una, lumaban kayo hindi dahil mahal mo pa siya, hindi. Lalo na kapag may anak kayo. 'Yung karapatan nu'ng bata."

Samantala, balikan ang relasyon noon nina Pokwang at Lee O' Brian sa gallery na ito: