GMA Logo  Pokwang and Mae
What's on TV

Pokwang, naghanap ng makaka-date sa 'EXpecially For You'

By Aedrianne Acar
Published August 17, 2024 1:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

 Pokwang and Mae


Ang anak mismo ni Pokwang na si Mae Subong ang nag-push sa komedyante na sumali sa 'EXpecially For You' ng 'It's Showtime'.

Pasabog ang searcher ng EXpecially For You ngayong Sabado (August 17) sa It's Showtime dahil ito ay walang iba kundi ang multi-awarded Sparkle comedienne na si Pokwang.

Nakasama ni Mamang Pokwang ang panganay na si Mae sa sikat na segment.

Tanong ni Meme Vice Ganda kay Mae, “Okay naman sa 'yo ang pagsalang dito ng nanay mo?

Sagot niya, “Of course! Actually dati, nung bago pa lang 'tong segment. Sabi ko, “Ma! Bakit hindi mo i-try mag-EXpecially For You.

“Wala biruan lang namin. Tapos sabi niya, 'Hmm tsaka na '… Gumanun na lang siya siyempre, kasi work, bahay, work, bahay.”

Ayon sa anak ni Pokwang, wish niya para sa nanay niya na makahanap ito ng isang partner na makakasama sa buhay.

Paliwanag niya, “Wala pong problema. Para sa akin, kasi talaga mas gusto ko na tumanda siya na may makakasama.”

“Yun nga po gusto ko talaga may makasama siya na as in partner talaga niya. Bukod sa amin na family niya siyempre, give naman na 'yun di ba na support kami sa kaniya.

“Kasi siyempre iba 'yung support na maibibigay ng partner mo, e. Iba rin 'yun maibibigay ng support ng family mo.”

Magtatatlong taon nang single si Pokwang matapos sila maghiwalay ng estranged partner niya na si Lee O'Brian.

Ano naman ang dahilan ng comedienne sa pagsali sa EXpecially For You?

“Nire-renovate kasi 'yung bahay, wala kaming upuan,” biro ni Pokwang.

Paliwanag niya ulit sa It's Showtime, “Siyempre naman I'm a fan of this segment. And of course, gusto ko rin naman maiba naman 'yung ikot ng buhay.”

May anak sina Pokwang at Lee na ang pangalan ay si Malia.

RELATED CONTENT: STUNNING PHOTOS OF POKWANG