Celebrity Life

Pokwang, nagreklamo sa NBI dahil sa isang staycation scam

By Kristine Kang
Published February 25, 2025 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP probes security firm in QC car dealership shooting
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang, staycation scam


Panawagan ni Pokwang sa lahat ng biktima: “Magsama-sama tayo. Huwag natin titigilan hangga't hindi nakukulong iyan."

Lumapit na sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ang TiktoClock host na si Pokwang upang ireklamo ang paggamit ng kanyang bahay sa isang staycation scam.

Simula pa noong Disyembre, ginagamit umano ang mga larawan at lokasyon ng kanyang bahay sa Antipolo sa isang pekeng staycation booking na ibinebenta sa social media. Kahit ilang beses nang nilinaw ng Binibining Marikit star na isa itong scam, marami pa rin ang nabibiktima nito.

"Magaganda 'yung mga pinopost niya sa account niya. Ikaw naman syempre,'O! Maganda 'yung review.' Siguro naman maengganyo ka talaga. Pero wala talagang ganoon resort," pahayag ni Pokwang.

Ayon kay Pokwang, madalas niyang kaawaan ang mga biktima na nakapagbayad na ng malaking halaga sa scammer.

"Minsan sa loob ng isang araw, ang kumakatok na tao rito tatlo hanggang limang biktima, at karaniwang nakapag [downpayment] na. May PhP7,000, PhP5,000, PhP10,000. Sa isang linggo kumikita na siya ng mahigit PhP200,000," aniya.

Dahil sa matinding epekto nito sa kanyang pamilya, pursigido siyang ipakulong ang nasa likod ng panloloko. "Natatakot ako para sa family ko. Inilagay mo sa risk 'yung buhay ng pamilya ko kaya 'di kita titigilan. Kakasuhan ko siya," sinabi niya.

Nanawagan din ang Kapuso actress sa lahat ng nabiktima, "Magsama-sama tayo. Huwag natin titigilan hangga't hindi nakukulong iyan. "

Samantala, nagbigay ng babala ang NBI sa mga nais mag-staycation ngayong papalapit na summer.

Ayon kay Atty. Vanessa Asuncion, executive officer ng NBI Cybercrime Division, "Kailangan mag-book sila sa regulated platforms natin. Since they're regulated by our government agencies, nakakasigurado po tayo na mabo-book natin. Secondly po kung mag-o-ocular, make sure that the [venue] ay legally allowed by the owner po."

Tingnan ang listahang ito ng mga artista na naging biktima rin ng scam: