GMA Logo pokwang
What's Hot

Pokwang, nakapag-perform muli nang may live audience sa Dubai

By Jansen Ramos
Published March 7, 2022 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pride colors on full display in UP Diliman
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Naghatid ng saya si Pokwang sa mga Pinoy abroad kamakailan sa World Expo 2020 na ginanap sa Dubai.

Masaya si Pokwang na muli siyang nakapag-perform nang may live audience abroad kamakailan matapos ang dalawang taon.

Para kay Pokwang, isang karangalan na makapaghatid siyang muli ng kaligayahan sa mga kababayan niya sa Dubai via World Expo 2020.

Naghatid ng saya ang komedyante sa pamamagitan ng kanyang nakakaaliw na song and dance production numbers at comedy acts.

Nag-a la Lady Gaga si Pokwang sa kanyang gold outfit habang kinakanta ang "Bad Romance" na sikat na single ng American singer.

Pokwang

Ipinamalas din ni Pokie ang kanyang pagiging natural performer sa "One Moment In Time" number niya na hinaluan niya ng komedya.

Sa kanyang Instagram post, aniya, "Maraming-maraming salamat po mga kababayan sa Dubai!! Isang karangalan at kaligayahan na makita kayong muli at ang inyong mga tawa at ngiti after two years sa pandemic na ito. Isang karangalan na makapag-perform muli sa inyong harapan. Hanggang sa muli. God bless you all…"

Isang post na ibinahagi ni Marietta Subong (@itspokwang27)

Ang World Expo 2020 ay orihinal na naka-schedule mula October 20, 2020 hanggang April 10, 2021.

Na-postpone ito sanhi ng COVID-19 pandemic.