
Malapit na malapit nang matapos ang bahay na ipinapatayo ng Kapuso star na si Pokwang.
Sa kanyang Instagram post, ipinakita niya ang progress ng bagong bahay.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
Ayon sa TiktoClock star, "konti nalang po talaga, konting labada nalang woohooo"
Biro pa ni Pokwang, "Tumatanggap po ako lalo na magpapasko hahahahhaa thank you papa God #toGodbetheglory #buhaysinglemom"
Nauna nang ibinalita ni Pokwang ang pagpapatayo ng bahay noong nakaraang buwan. Dito inamin ni Pokwang ang dahilan ng pagpapagawa ng bagong bahay, pagkatapos siyang tanungin sa Instagram kung naibenta na ba ang kanyang dating bahay.
Sagot ni Pokwang, "Sold na po last year pa hahaaaaahaha thats why im selling my beach house sa Bataan kasi ayoko ng may mantsa nya at bakas hahaaha"
SAMANTALA, BALIKAN ANG BAHAY NI POKWANG SA ANTIPOLO: