
Binigyang babala ni Pokwang ang publiko dahil may gumagamit umano ng pangalan ng kanyang dating food business.
Inilahad ito ni Pokwang sa isang Instagram post. Ipinakita rin ng TiktoClock host ang bagong pangalan ng kanyang food business.
Ani Pokwang matagal nang nagtapos ang kanyang dating food business na may pangalang "PokLee." Ang PokLee Food Products ay negosyo ni Pokwang noon at ni Lee O'Brian.
"BABALA! Matagal na pong out sa Shopee at Lazada ang dating product na Poklee wag po kayong maniwala dahil ibang brand ang ipapadala sa inyo," paalala niya sa kaniyang IG post.
Ayon pa sa Kapuso star, ang bagong pangalan ng kanyang bottled food products ay Mamang Pokwang's Gourmet. Ang mga produktong ito ay Laing, Espesyal Suka, Tuyo, at iba pa.
Saad ng aktres, para masigurong tamang produkto ang makuha ng publiko ay mag-order lamang daw sa Instagram at Facebook page ng kanyang bagong food business.
"Ito pong @mamangpokwangs_gourmet ay legit pwede po kayong umorder sa IG at FB page ng @mamangpokwangs_gourmet again wala na pong Poklee ingat sa scammer!!"
SAMANTALA, KILALANIN ANG ILAN PANG MGA AKTRES NA MAY NEGOSYO: