
Isang kilig na kilig na Pokwang ang napanood sa TiktoClock sa pagbisita ni Fernando Carillo ngayong June 8.
Si Fernando ay ang Venezuelan actor, model and singer na nakilala sa kaniyang pagganap bilang Fernando Jose sa Rosalinda.
Sa TiktoClock ay napanood ang dance number nina Pokwang at Fernando at sinundan pa ito ang nakakatuwang pag-uusap ng dalawa kasama ang iba pang hosts na sina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Jayson Gainza, at Faith Da Silva.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Saad ni Fernando kay Pokwang, "Mamang, my pleasure. It's an honor to be with such a superstar."
Nagpasalamat din si Fernando sa pagkakataong makabisita sa GMA Network.
"Thank you GMA 7, and all of you guys. What an honor to be back in my favorite Asian country."
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Dahil may asawa na si Fernando ay biniro ni Pokwang ang aktor kung mayroon ba siyang mga kapatid o pinsan.
Sagot ni Fernando, "I have two brothers."
Biro naman ni Pokwang, "Okay, introduce them to me."
Maaaring balikan ang episode na ito sa gmanetwork.com/tiktoclock
SAMANTALA, BALIKAN ANG SUMMER PHOTO SHOOT NG TIKTOCLOCK DITO: