
Time out muna sa comedy si Pokwang para sa latest film niya na Slay Zone, na idinirehe ng batikang direktor na si Louie Ignacio.
Sa Slay Zone, makakasama ni Pokwang ang kapwa award-winning actress na si Glaiza De Castro.
Nakapanayam ng GMANetwork.com si Pokwang nitong Huwebes, February 8 sa set ng hit sitcom na Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 sa Amadeo, Cavite.
Dito, nagkuwento siya ng ilang detalye sa action-packed movie nil ani Glaiza.
Lahad niya, “Ang movie ko po with Glaiza De Castro na Slay Zone is suspense and action, may konting drama po ito. So seryosong Pokwang po ito.
“Nag-uumaksyon, may pagka-misteryoso 'yung kuwento, and nakakatuwa 'yung pelikula, directed by Direk Louie Ignacio, the award-winning director. Ibang Pokwang po itong mapapanood n'yo rito, kung napanood n'yo po ako sa Becky & Badette na baliw-baliwan, ibang atake naman.”
Source: itspokwang27 (IG)
Tampok din sa Slay Zone sina Open 24/7 hunk Abed Green, Maui Taylor, Rico Barrera, Queenay Mercado, at Richie Armstrong.
Buhos naman ang papuri ni Pokwang sa co-star niyang si Glaiza dahil sa “focus” nito sa trabaho. Kasalukuyang nagti-taping ang versatile actress ng season two ng Running Man Philippines sa South Korea.
“Si Glaiza isang mahusay na artista din naman sa kaniyang henerasyon ngayon. Iba rin 'yung batang 'yun, talagang seryoso din sa kaniyang craft.
“Kumbaga, laging focused. Sabi ko [kay Glaiza], 'Mahusay ka. Mahusay kang bata, deserve mo 'yung mga project na ibinigay sa 'yo dahil magaling ka.”
Bukod sa Jose & Maria's Bonggang Villa 2.0 kung saan gumaganap siya bilang kontrabida na Tiffany, regular mainstay din siya sa game show na TiktoClock.
RELATED CONTENT: TRIVIA ABOUT POKWANG