
Usap-usapan sa social media ang katatapos lang na media conference ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Binibining Marikit na mappabood na sa Lunes, February 10.
Sa nasabing launch event, kinaaliwan ang pagiging natural ng bida nitong si Herlene Budol habang sinasagot ang mga tanong ng press at media.
TINGNAN ANG MGA LARAWAN MULA SA MEDIA CONFERENCE NG BINIBINING MARIKIT:
Unfiltered ang bibig ni Herlene na nagpakatotoo tungkol sa kanyang kissing scenes sa leading men niyang sina Tony Labrusca at Kevin Dasom. Nagsalita rin ang aktres tungkol sa past issue nila ng dating co-actor na si Rob Gomez.
Sa gitna ng tawanan sa media conference, hindi rin mapigilan ni Pokwang na maaliw sa kanyang Binibining Marikit co-star at kapwa komedyante na si Herlene na kasama niya rin sa daily variety show na TiktoClock.
Tinanong din siya ng press kung ano ang reaksyon niya sa personalidad ni Herlene. Sagot niya, "What you see is what you get. 'Yun s'ya, 'di mo s'ya pwedeng [diktahan]...
"Ang feeling ko sa batang 'to, 'di mo s'ya kailangang manduhan kasi kapag minanduhan mo s'ya, mawawala 'yung naturalesa niya. Hayaan mo lang s'ya. Sinasabi ko nga sa kanya, go with the flow. Kung ikaw 'yan, ikaw 'yan. 'Di mo kailangan mag-pretend. Maganda 'yung lumalabas talaga 'yung naturelesa."
Nakikita naman ni Pokwang ang kanyang sarili kay Herlene, lalo na sa pagiging breadwinner nito.
Sabi niya, "Alam naman natin pagdating sa pamilya, talagang tutok-putok 'to. ''Yung mga kinikita n'ya, binibigyan ko s'ya nga advice, 'yung mga pinaghihirapan niya kasi 'di tayo laging nasa spotlight. So dapat nag-iisip tayo ng fallback."
Gaganap na biological mom ni Herlene si Pokwang sa Binibining Marikit.
Ipapalabas ang serye simula Lunes, February 10, 2:30 ng hapon sa GMA at Kapuso Stream.
KILALANIN ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA BINIBINING MARIKIT.