
Masayang birthday celebration ang inihanda ng TiktoClock para kay Pokwang.
Ngayong Huwebes, August 24, ginanap ang birthday celebration ni Pokwang.
PHOTO SOURCE: TiktoClock
Kasama niya sa birthday episode na ito ang co-hosts na sina Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, at Jayson Gainza. Sila ay sinamahan pa nina Niño Muhlach, Pooh, at Donita Nose.
Pagkatapos na magbigay ng birthday messages ang kasamahan at mga kaibigan ni Pokwang sa TiktoClock, nagpasalamat naman siya sa isa na namang taon na puno ng blessings.
RELATED GALLERY: 'TiktoClock' hosts Pokwang, Kuya Kim, Rabiya, Faith at Jayson, puno ng good vibes sa kanilang pictorial
Ani Pokwang, "Maraming salamat po lord god sa another year na naman po ng blessings po. Thank you po."
Nagpasalamat din si Pokwang sa kaniyang pamilya.
"Sa family ko siyempre, sa walang kapantay na nagmamahal... Sa family ko maraming maraming salamat."
Pinasalamatan naman ni Pokwang ang GMA Network, Sparkle, at TiktoClock.
Saad niya sa episode kaninang umaga, "Of course, my GMA family, maraming salamat. Sparkle and my TiktoClock family, I love you guys. I love you."
Si Pokwang ay magse-celebrate ng kaniyang 53rd birthday sa August 27.
Happy birthday, Pokwang!
SAMANTALA, NARITO ANG STUNNING PHOTOS NG TIKTOCLOCK HOST NA SI POKWANG: