GMA Logo Pokwang in Tiktoclock
What's on TV

Pokwang, puno ng pasasalamat sa kanyang kaarawan

By Maine Aquino
Published August 26, 2022 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang in Tiktoclock


Bumuhos ang pasasalamat ni Pokwang sa kanyang birthday episode sa 'TiktoClock.'

Sa ginanap na birthday episode ni Pokwang sa TiktoClock, bumuhos ang kanyang pasasalamat sa isa na namang masaganang taon sa kanyang buhay.

Magse-celebrate ng 52nd birthday si Pokwang sa August 27 pero maaga itong ipinagdiwang sa TiktoClock ngayong August 26.

Saad ni Pokwang, "Thank you so much Lord God sa isa na namang mabiyayang taon. Maraming salamat sa iyo, Panginoon.

TiktoClock

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Nagpasalamat din si Pokwang sa GMA Network, Sparkle, at TiktoClock family. Sinundan niya pa ito ng pasasalamat sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya.

Ani Pokwang, "Thank you so much sa aking GMA family, maraming salamat sa Sparkle, sa aking TiktoClock family, thank you so much sa inyong lahat!

"Sa mga friends, sa mga nagdadasal lagi, sa mga naniniwala, sa mga followers ko, maraming-maraming salamat. sa aking family na talagang tunay ang pagmamahal, salamat sa inyong lahat!"

Kung hindi mo man ito napanood, maaaring i-stream ang full episode ng TiktoClock sa GMANetwork.com o GMA Network app.