GMA Logo pokwang and kris aquino
Celebrity Life

Pokwang receives special birthday gift from Kris Aquino

By Aimee Anoc
Published August 23, 2021 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and kris aquino


Pokwang thanks Kris Aquino, "Sa 27 pa birthday ko pero lagi ka naman ganyan advance magmahal."

Maagang nakatanggap ng regalo si Pokwang mula sa kaibigang si Kris Aquino para sa kanyang 51st birthday sa Biyernes, August 27.

Sa Instagram, ibinahagi ng komedyante ang ipinadala ni Kris na puti at dilaw na mga rosas at ang pagkaaliw ng anak niyang si Malia O' Brian sa mga ilaw na nakalagay rito.

"Thank you ganda Kris Aquino sa flowers nakakamayaman hahahaha sa 27 pa birthday ko pero lagi ka naman ganyan advance magmahal. Salamat at aliw si tisay Malia O' Brian sa pa ilaw, higit sa lahat bagay s'ya sa prayer room ko," pagbabahagi ni Pokwang.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Itinuturing ni Pokwang na isang malapit na kaibigan ang Queen of All Media.

Ayon sa Pepito Manaloto actress, isa si Kris sa mga tumulong sa kanya nang ipasara ang dating network na pinagtatrabahuhan niya.

"Sa panahon na nawalan ako ng work dahil pinasara ang ABS-CBN si Kris Aquino at si @jgl71 at @aptentertainment ang umalalay sa 'kin," sagot ni Pokwang sa isang netizen kung bakit mahal niya si Kris.

pokwang on Instagram

Marami rin ang nagpaabot ng pagbati sa komedyante para sa nalalapit na kaarawan nito.

"Amen! Congratulations for another year on 27th of August more blessings, good health and happy family with Mae, Malia and papang Lee O' Brian," pagbati ni @mariza02.

"Ah you're Virgo po pala no wonder mabait ka advance happy borthday po Pokwang," sabi naman ni @jingcabulong.

"Advance happy blessed b-day sa iyo Mamang Pokwang," dagdag pa ni @ttanigami.

pokwang on Instagram

Samantala, mas kilalanin pa si Pokwang sa gallery na ito: