GMA Logo pokwang
Source: itspokwang27 (IG)
Celebrity Life

Pokwang remembers her late dad on his birthday

By Jimboy Napoles
Published May 5, 2022 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

World markets face fresh jolt as Trump vows tariffs on Europe over Greenland
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Pahayag ni Pokwang sa kaarawan ng ama: "Kung buhay siya kasama ko 'yan sa naninindigan at alam ko proud ka sakin papa, I love you."

Isang madamdaming post ang ibinahagi ngayon ng aktres at batikang komedyante na si Pokwang sa kanyang Instagram account nang alalahanin ang kaarawan ng kanyang namayapang ama.

Makikita sa video na ipinost ni Pokwang ang isang paru-paro na pagala-pagala sa paligid niya habang sila ay nag-aalmusal sa penthouse ng hotel.

Hindi raw lubos na maisip ng aktres kung paano nakalipad ng ganoon kataas ang paru-paro. Dito niya na naalala na kaarawan pala ngayon ng kanyang pumanaw na ama.

Aniya, "Nasa penthouse kami ng hotel pano ka nakalipad ng ganon? Masyado mataas 'yung pwesto namin. Naalala ko, birthday pala ng aking namayapang ama ngayon May 5."

Dagdag pa ni Pokwang, "Kung buhay siya kasama ko 'yan sa naninindigan at alam ko proud ka sakin papa I love you… don't worry di ako hihinto at mapapagod na ipagdasal ka, kayo ni mama."

Samantala, mapapanood naman si Pokwang sa Mano Po Legacy: Her Big Boss gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Mas kilalanin naman ang comedy star na si Pokwang sa gallery na ito.