GMA Logo pokwang
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
What's Hot

Pokwang, sinabing malisyoso ang pahayag ni Alvin Aragon

By Maine Aquino
Published February 24, 2026 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AFP commissions two new Navy vessels
Marker at plaza in Cebu City honors Martial Law victims
Jeff Moses graces the cover of a local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang


Panoorin ang ginawa ni Pokwang sa kaniyang latest post.

"Alam niyo na, sa bahay namin, kailangan lahat naka-bra."

Ito ang natatawang kuwento ni Pokwang sa bago niyang video kung saan ipinakita niyang nakasuot siya ng bra sa labas ng kaniyang damit.

Saad pa ni Pokwang sa kaniyang caption, "Ayan nag luto kami ng ginataang suso na naka-bra bwahahhaahhahaa p****!!!! at papayang naka law law sa lupa kaya madaling pitasin na bwahahaahahhaa 🤣"

PHOTO SOURCE: @itspokwang27

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Ang video na ito ay in-upload ni Pokwang pagkatapos niyang mag-react sa kumakalat na statement ni Alvin Aragon.

Ayon kay Alvin, "Mga nanay na walang bra sa loob ng bahay, ayusin mo 'yung damit mo. Magsuot ka ng bra. Dahil sa 'yo, magkakasala ang mga anak mo. Sabi ni Lord, kung dahil sa'yo magkakasala 'yung mga bata, mabuti pa magpakamatay ka na lang."

Sa video ni Pokwang ay nagbigay siya ng opinyon sa nasabi ni Alvin. Ani Pokwang, "Brother, unang-una wala akong ba-bra-han. Pangalawa, masyado namang malisyoso 'yung kita lang 'yung ano papatulan mo agad 'yung nanay mo. Huwag ganoon."

Nagbahagi rin si Pokwang ng kaniyang kuwento mula sa kaniyang pagkabata. Saad niya, "Ako nga nakita ko i**** ng tatay ko noong kumakain kami sa sahig kasi wala kaming lamesa, natuka nga ng bibe i**** niya... Nag-isip ba ako ng ano? Grabe naman. Kasi wala siyang pambiling brief, siyempre unahin namin 'yung bigas bago ang brief."

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Related gallery: Straight celebrities who champion LGBTQIA+ rights