
Ipinakita ni Pokwang kung ano ang kaniyang mga nabili sa halagang PhP 1000 kapag magluluto ng mga pagkain para sa isang pamilya.
Sa isang Instagram post, inilahad ni Pokwang na gumawa siya ng video para ipakita kung ilang araw ba aabot ang halagang PhP 1000 para sa limang tao.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
Ani Pokwang, "So ito po 'yung aking PhP 1000 challenge. Hindi ko po alam kung ilang araw tatagal ito pero ito po ang mga nabili ko sa PhP 1000."
RELATED GALLERY: Inside Pokwang's summer house in Mariveles, Bataan
Kilalang mahilig si Pokwang sa pagluluto, at sa post na ito, ipinakita niya ang mga maaari niyang ihanda sa pamilya sa halagang PhP 1000. Ayon sa TiktoClock host, ang nabili niya sa palengke ay apat na sardinas, kalahating kilong galunggong, 1/4 kilo ng kamatis, 1/4 kilo ng sibuyas, 2 tali ng kangkong, 2 tali ng talbos ng kamote, 2 tali ng ampalaya, 2 pirasong sayote, 6 pirasong itlog, 5 kilos na bigas.
Tanong kay Pokwang sa Instagram post, "Kasya pang 1week mamang?"
Sagot naman ni Pokwang, "Napagkasya ko ng two days binase ko ng lima sa pamilya."
May isang netizen naman na nakapansin ng pinamili ni Pokwang ay tingi-tingi raw. Sagot naman ng Sparkle star, "Masa yan ang dapat madama yung paano mamili sa masa yung pano nila pinagkakasya, galing ako sa ganyang buhay"
PHOTO SOURCE: Instagram
Nilinaw din ni Pokwang na namili siya sa Mariveles Bataan para sa PhP 1000 budget.
Ayon kay Pokwang, mapapanood ang kabuuang video sa kanilang YouTube channel na Mamang & Malia.
"Tingnan natin kung ilang araw aabot ito. Try natin!"
Abangan ang vlog ni Pokwang sa PhP 1000 meal challenge sa kaniyang YouTube channel.
Samantala, mapapanood si Pokwang Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TiktoClock.
BALIKAN ANG MGA SWEETEST PHOTOS NINA POKWANG AT MALIA RITO: