GMA Logo Pokwang's birthday
What's on TV

Pokwang, tumanggap ng mensahe ng pagmamahal at suporta sa birthday episode sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published August 24, 2023 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pokwang's birthday


Alamin ang mga mensahe ng 'TiktoClock' co-hosts ni Pokwang para sa kaniyang kaarawan.

Nag-celebrate ng kaarawan si Pokwang sa morning variety show na TiktoClock ngayong August 24.

Sa episode ngayong Huwebes ay nakatanggap si Pokwang ng mensahe ng pagmamahal at suporta mula sa kaniyang pamilya sa TiktoClock.

Isang post na ibinahagi ni TiktoClock (@tiktoclockgma)

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Ayon kay Kuya Kim Atienza, hiling niyang makamit ni Pokwang ang magagandang bagay para sa kaniyang buhay.

"Matagal kong pinangarap na makatrabaho ka, at ngayong pangalawang taon na natin sa TiktoClock, I love you, Mamang. 'Yun lang masasabi ko. All the best."

Si Faith Da Silva naman ay nag-wish ng blessings para kay Pokwang at sa pamilya niya.

Isang karangalan na makatrabaho ka. Dito po sa TiktoClock parang nanay po namin si Mamang... We're very grateful and I wish you nothing but the best for you, Malia, and sa inyong family.

Mula naman kay Jayson Gainza ang hiling na pag-move on at pagpapatawad sa buhay ni Pokwang.

Wish ko matupad lahat-lahat. Nasa sa 'yo na lahat. 'Yung kapatawaran ituloy tuloy mo pa rin 'yan, kasi kapag nakapagpatawad ka, makaka-move on ka. At higit sa lahat, continuous lahat ng blessings kasama ang pamilya mo. Huwag mo na hanapin ang saya at pag-ibig sa ibang tao, hanapin mo lang sa paligid mo. Nasa pamilya mo.

RELATED GALLERY: 'TiktoClock' hosts Pokwang, Kuya Kim, Rabiya, Faith at Jayson, puno ng good vibes sa kanilang pictorial


Samantala, kasama rin nila sa araw na ito si Niño Muhlach at nagpapasalamat daw siya na nakilala niya si Pokwang.

"Nakasama na kita dati noong nakatrabaho mo 'yung anak ko pero sobrang happy na nakatrabaho kita dito at nakilala ko ang tunay na Mamang."

Bumisita rin sina Pooh at Donita Nose sa birthday episode ni Pokwang. Mensahe ni Pooh sa kaniyang kaibigan, "Humaba pa ang kaniyang buhay na mas marami. Hanggang siya na lang ang matira sa mundo."

Saad naman ni Donita ay deserve ni Pokwang ang blessings sa kaniyang buhay. Ani Donita, "Noon pa lang nag-MRT pa lang tayo alam ko pinaghirapan mo. Deserve mo lahat 'yan, deserve mo ang magandang buhay, deserve mo ang magandang love life. Good luck sa 'yo. I love you."

Ise-celebrate ni Pokwang ang kaniyang kaarawan sa darating na August 27.

Happy birthday, Pokwang!