Alay raw ni PO2 Mariano Flormata, Jr. o mas kilala bilang Neil Perez ang kanyang parangal sa mga nasawing SAF commandos sa Maguindanao clash. By CHERRY SUN
“Ang aking disappointment sa buhay ay 'yung hindi ko paggalang sa magulang ko, at ngayo’y pinagsisisihan ko ito dahil isang malaking bagay na mahalin natin ang ating mga magulang dahil siya ang pangalawang utos ng Diyos para sa mga Katoliko.”
Ito ang winning answer ni PO2 Mariano Flormata, Jr., na mas kilala bilang Neil Perez sa ginanap na Mister International Pageant sa South Korea.
A photo posted by Mariano Perez Flormata Jr. (@marianoflormata) on
Napasaludo ang pageant cop nang siya ang tanghaling winner sa naturang contest. Nauna rin niyang ipinahayag na alay niya para sa mga nasawing SAF commandos sa Maguindanao clash ang kanyang pagsabak dito.
Bukod sa title ay second runner-up din si Neil sa National Costume category.