GMA Logo Carla Abellana and Rhian Ramos in Love Of My Life
What's on TV

POLL RESULT: Adelle VS Kelly - Sino ang gusto ng bayan na makatuluyan ni Nikolai sa 'Love Of My Life'

By Jansen Ramos
Published March 18, 2021 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana and Rhian Ramos in Love Of My Life


Isa kina Adelle at Kelly ang nakakuha ng 72.3% sa poll ng GMANetwork.com. Alamin dito:

Sinagot na ng bayan kung sino ang nais nilang makatuluyan ni Nikolai (Mikael Daez) sa hit GMA primetime series na Love Of My Life sa pamamagitan ng isang poll na inilunsad ng GMANetwork.com kamakailan.

Base sa resulta ng poll as of writing, 72.3 % ang nagsasabing si Adelle (Carla Abellana) ang dapat na makatuluyan ni Nikolai. Samantalang 27.6 % naman ang pumabor kay Kelly (Rhian Ramos).

Kung titingnan pa lang ang mga numero, mas maraming pumili at nakisimpatiya kay Adelle dahil 44.7% ang lamang niya kay Kelly.

Sa huling linggo ng Love Of My Life, hihingi ng tawad si Nikolai kay Kelly sa pag-urong niya sa kasal nila matapos umamin si Adelle sa tunay niyang nararamdaman para sa kanyang bayaw.

Gayunpaman, tila magiging mailap ang kapatawaran kay Nikolai na mapapanood ngayong Huwebes, March 18, sa serye.

Ito na kaya ang rason para mapalapit muli si Nikolai kay Adelle, ang asawa ng yumaong niyang kapatid na si Stefano (Tom Rodriguez)?

Para malaman kung tama ang pulso ng bayan, huwag palampasin ang huling dalawang gabi ng Love Of My Life, pagkatapos ng First Yaya sa GMA Telebabad.

Samantala, kung curious kayo kung paano kinuhanan ang Love Of My Life sa panahon ng pandemya, tingnan ang gallery na ito.