GMA Logo centerstage grand finalists
What's on TV

POLL RESULT: Sino ang gusto ng bayan na manalo sa 'Centerstage?'

By Jansen Ramos
Published June 4, 2021 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

centerstage grand finalists


Alamin dito kung sino sa 'Centerstage' grand finalists na sina Rain Barquin, Colline Salazar, Vianna Ricafranca, at Oxy Dolorito ang nakakuha ng boto ng netizens.

Sinagot na ng bayan kung sino ang pambato nila sa GMA kiddie singing competition na Centerstage sa pamamagitan ng isang poll na inilunsad ng GMANetwork.com kamakailan.

Base sa resulta ng poll, nanguna ang pambato ng Las Piñas City na si Colline Salazar na nakakuha ng 37.8 percent ng boto. Sinundan ito ng Albay's pride na si Vianna Ricafranca na may 30.0 percent ng boto.

27.3 percent naman ang nagsasabing ang youngest grand contender na si Oxy Dolorito ng Bulacan ang dapat manalo sa Centerstage. Samantalang 4.69 percent naman ang pabor kay Rain Barquin, ang heartwarming 12-year-old ng Caloocan City.

Centerstage poll result

Kung titingnan ang mga numero, magkakalayo ang pagitan ng boto ng bawat grand finalists. Si Colline ang may pinakamataas na boto, samantalang si Rain ang nakakuha ng pinakamababang boto.

Gayunpaman, ang desisyon pa rin kung sino ang karapat-dapat na magwagi sa Centerstage ay magmumula sa mga hurado na sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, Mel Villena at 'Bida Voters.'

Sa part two ng finale ng Centerstage malalaman kung sino ang top two finalists na maghaharap sa entablado para sa titulong 'Ultimate Winner.'

Sino kaya kina Rain, Colline, Vianna, at Oxy ang masuwerteng mananalo ng bahay at lupa mula sa Bria Homes?

Huwag palampasin ang grand finale showdown ng Centerstage ngayong Linggo, June 6, 7:40 p.m., sa GMA-7.

Pero bago iyan, kilalanin muna ang apat na finalists na naglalaban-laban para sa 'Ultimate Centerstage' sa gallery na ito: