What's Hot

Poll Results: Ano sa mga obra ni Maryo J. delos Reyes sa GMA ang pinaka nagustuhan mo?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 5, 2020 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Akbayan Party-list forum on joint oil exploration with China (Apr. 9, 2026) | GMA News
Man who stole Rottweiler caught on cam, arrested
Mga mangingisda sa Cardona na apektado ng mahal na gasolina, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kakatapos lang na online poll ng GMAnetwork.com, nagsalita na ang mga Kapuso netizens at bumoto kung ano sa mga obra sa telebisyon ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes ang pinaka nagustuhan nila.


Sa kakatapos lang na online poll ng GMAnetwork.com, nagsalita na ang mga Kapuso netizens at bumoto kung ano sa mga obra sa telebisyon ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes ang pinaka nagustuhan nila.
 
Nakakuha ng pinakamataas na boto ang Dapat Ka Bang Mahalin na pinagbidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal with 289 votes. Hindi ito katakataka dahil ito rin ang nagpasikat sa love team ng dalawa noong 2009, na ngayon ay mga prime time leads na ng GMA.
 
Pumangalawa naman ang Munting Heredera na ilang beses din na extend ang run sa television. Sa kabuuan, ang Munting Heredera ay napanood ng mga Kapuso for 39 weeks, patunay na minahal na ng mga viewers sina Jennifer (Mona Louise Rey), Calila (Barbara Miguel) at Doña Ana (Ms. Gloria Romero) at sinubaybayan ang kanilang istorya sa telebisyon gabi-gabi.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Impostora, na sinundan naman ng Gumapang Ka Sa Lusak which featured Dennis Trillo and Jennylyn Mercado. Another Dennis Trillo starrer came in 5th, ang Magdusa Ka.
 
Ilan lamang ito sa mga television shows na pinangunahan ni Direk Maryo and his long list of accomplishments and masterpieces continues. In fact, ngayong linggo, nagsimula na din ang isa na namang obra ni Direk Maryo, ang Pahiram ng Sandali. Dito mapapanood natin ang mga pinakamalalaking bituwin ng showbiz. Pinangungunahan ito nina Dingdong Dantes, Christopher de Leon at ang nagbabalik Kapuso na si Ms. Lorna Tolentino.

Tiyak na magugustuhan na naman ito ng mga Kapuso viewers kaya huwag palampasin ang unang linggo ng Pahiram ng Sandali. Mapapanood ito gabi-gabi sa GMA Telebabad.