Article Inside Page
Showbiz News
Last week ay nagsimula na ang bagong afternoon soap ng GMA na
Little Star. Pinagbibidahan ito nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Mark Anthony Fernandez.
Last week ay nagsimula na ang bagong afternoon soap ng GMA na Little Star. Pinagbibidahan ito nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Mark Anthony Fernandez. Sa show na ito ay tatlong babae ang magiging leading lady ni Mark Anthony. Ito ay sina Jennylyn, Lovi, at Rich Asuncion. Sino kaya sa tingin ng iGMA readers ang bagay kay Mark? Text by Ayessa De La Pena. Photo courtesy of GMA Network.

Isang nakakaantig na kuwento ng isang batang makakapagpabago sa takbo ng buhay ng mga tao ang kuwento sa
Little Star. Pagbibidahan ito nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at Mark Anthony Fernandez. Ngunit bukod kay Jennylyn at Lovi, ang isa pang leading lady ni Mark Anthony dito ay si Rich Asuncion.
Sa tatlong leading ladies dito ni Mark Anthony Fernandez, sino kaya sa tingin ng iGMA readers ang nababagay para sa kanya? The iGMA readers have spoken up!
iGMA received a total of 2,954 votes. 16% ng mga voters ang sumagot ng wala. 5% naman sa kanila ang sumagot na si Rich Asuncion ang bagay kay Mark. 17% of the voters said that Lovi Poe will look best as Mark Anthony’s leading lady. At ang nakakakuha ng pinakamaraming number of votes? Ito ay si Jennylyn Mercado na muling nagbabalik sa paggawa ng soap opera after being busy sa kanyang movie na
Rosario.
Gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni Helen na kagigisnang ina ng little star na si Niño, played by child actor Nicky Castro. Si Niño naman ang anak nina Gwyneth, played by Lovi, at Dave, played by Mark Anthony. Ngunit dahil artista si Gwyneth ay gugustuhin nitong mawala sa kanyang responsibilidad ang bata kaya naman mapupunta ito sa kamay ni Helen.
Ano ang mananaig: ang lukso ng dugo o ang kagustuhan ng puso?
Patuloy na subaybayan ang
Little Star, every afternoon pagkatapos ng
Ang Yaman Ni Lola.
Bumoto na sa iGMA poll question for this week. Log on na sa
http://www.iGMA.tv to vote!