
Patuloy na sinusubaybayan ng taumbayan ang bawat episode ng GMA Prime series na The Master Cutter na pinagbibidahan ng multi-awarded actor and host na si Dingdong Dantes.
Last Thursday, July 30, kung saan napanood ang makadurog na death scene ni Tonet (Shuvee Etrata), nakapagtala ang show ng 11.7 percent na TV ratings sa NUTAM People Ratings.
Kaya ganun na lang ang saya ng isa sa mainstays ng action-packed series na si Polo Ravales na nasusuklian ang pagod ng lahat mula sa mga artista, creatives, at production team.
Lahad niya sa 24 Oras Weekend, “We are so proud and happy na mataas 'yung ratings namin. Super sarap, kasi talagang pinaghirapan ng buong production 'yun e. Ultimo 'yung galing dun sa mga writers, talagang alam ko pinaghihirapan talaga na magkaroon ng magandang kuwento.”
Ayon pa kay Polo, talagang tinutukan ni Dingdong ang istorya na ipinapalabas nila sa The Master Cutter.
Sabi niya, “Of course, production and si Dong. Si Dong kasi nakatutok talaga sa istorya 'yan e.”
Source: 24 Oras Weekend
Panoorin ang simulcast airing ng The Master Cutter sa GMA, GTV, Heart of Asia, and I Heart Movies sa oras na 8:00 p.m.
RELATED CONTENT: The Master Cutter's most irresistible actors