
Sobrang nagpapasalamat si Polo Ravales na naisilang nang normal at malusog ang kanyang unang anak na lalaki sa kanyang fiancee na si Paulyn Quiza. Nagpapasalamat din ang aktor dahil parehong ligtas ang kanyang mag-ina.
Sa Instagram, ibinahagi ni Polo ang larawan ni Paulyn at ng kanyang anak habang natutulog.
"Yatrick Paul Quiza Gruenberg. Born on September 5, 2021 at 8:58 a.m. Thank you, God, for a normal delivery and very healthy Baby P," sulat ni Polo.
Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang mga kaibigan at tagahanga ni Polo.
"Congratulations sa inyo," pagbati ni Jackie Lou Blanco.
"Congrats sa inyo," dagdag pa ni Nikki Co.
"Aaw! Congratulations to you both!" pagbabahagi ni @iknowreich.
"Congrats Polo Ravales! What an angel!" komento ni @ronivalee na may kasamang heart at angel emojis.
"Congrats!!! Welcome to the club!" pagbati naman ni @garetlarky.
Unang inanunsiyo nina Polo at Paulyn ang paparating nilang baby noong Abril kung saan nag-post si Polo ng ultrasound ng kanilang anak.
Pasko ng 2018 nang ma-engaged sina Polo at Paulyn na ibinahagi rin ng aktor sa Instagram at pabirong sinabi, "Akala ko forever akong binata."
Samantala, kilalanin sa gallery sa ibaba ang fiancee ni Polo Ravales na si Paulyn Quiza: