
Sa unang linggo ng Poong, the Joseon Psychiatrist, nakilala si Poong Se-yeop, ang dakilang manggagamot ng palasyo.
Sa batang edad ay naipakita niya ang kanyang galing sa sining ngunit nang mamatay ang kanyang ina, itinigil niya ito at itinuon ang pag-aaral ng panggagamot.
Samantala, dahil sa isang conspiracy sa palasyo ay pinaalis si Yoo Se-yeop at nagpagala-gala siya hanggang sa magkakilala sila ni Seo Eun-woo.
Sa kabilang banda, sinusubukan naman ng isang aspiring doctor na si Seo Eun-woo na malaman kung ano ang totoong ikinamatay ng isang pasyente at kung sino ang maaaring pumatay nito.
Pero isang kasamahan ang pumigil sa kanya para hanapin ang salarin dahil kailangan na siyang sukatan ng damit pang-kasal. Dito nakakuha ng ideya si Seo na maaaring isang karayom ang nakapatay sa biktimang iniimbestigahan nya.
Matapos malaman ni Seo kung ano ang maaaring naging dahilan ng pagkamatay ng biktima, hinanap niya si Yoo na nakita niyang handa nang tumalon sa bangin.
Sinubukan niya itong iligtas at nakita niya ang isang sisidlan ng mga karayom, ang pinaghihinalaan niyang nakapatay sa biktima, at isang palamuti na nagpapatunay na galing siya sa isang marangal na pamilya.
Sa paglalakbay niya, napadpad siya sa Gyesu Village kung saan siya namalagi. Subalit dahil sa nangyari sa palasyo ay tumigil na siyang tumingin at manggamot.
Pero sa tulong ng kasamahan niyang si Man-bok, nakabalik siya sa pagtingin sa mga may sakit pero hindi na siya uli gumamit ng accupuncture. Dito, natulungan niya ang isa pang mangagamot, si Gye Ji-han, na matulungan ang mga may sakit.
Bukod sa mga tao sa bayan, isang lola rin ang tinulungan ni Yoo Se-yeop na gamutin. Hiniling nito kay "Poong," ang tawag niya kay Yoo Se-yeop, na gamutin siya nito gamit ang karayom, ngunit tumanggi ito dahil hindi na daw niya ito ginagawa.
Pero sabi ni lola, mayroon pang ibang paraan ng paggagamot, at iyon ay ang sa nararamdaman nito sa kanyang puso.
Ikinuwento ni Eun-woo sa lola na una niyang nakita ang kanyang napangasawa noong ito ay nasa kabaong na, at na siya ang may kagagawan nito. Dahil dito ay pinagmalupitan siya ng pamilya ng naiwan niyang asawa.
Naramdaman naman ni Lola ang hinagpis ni Eun-woo at iminungkahi na tatawagin nito si "Poong" upang siya ay magamot sa pamamagitan ng accupuncture. Ngunit naisip ni Eun-woo na baka mas mabuti pang sundin ang mungkahi ng biyenan niya na magpakamatay na lang.
Dahil sa mungkahi ng manugang niya, sinubok ni Eun-woo na magpakamatay ngunit dahil sa tulong ni Yoo Se-yeop ay nailigtas niya ito, binabalik ang ginawa rin nitong pagligtas sa kanya noon.
Sa pag-aalala, pinuntahan si Eun-woo ng mga magulang niya para iuwi na sa kanila at iminungkahi rin ni Ji-han na pupuntahan ni Yoo ang dalaga para tingnan at gamutin. Pero imbes na sumama, mas pinili ni Eun-woo na bumalik sa mga biyenan niya.
MEET THE CAST OF POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST: