GMA Logo Poong, the Joseon Psychiatrist
Source: OfficialGMAHOA/FB
What's Hot

Poong, the Joseon Psychiatrist: Ang nagbabadyang katotohanan | Week 6 Recap

By Kristian Eric Javier
Published March 10, 2023 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Poong, the Joseon Psychiatrist


Malapit nang malaman ni Yoo Se-yeop sa wakas ang katotohanan ng pagkamatay ng hari. Pero handa na ba siyang malaman ang katotohanang ito?

Unti-unti nang nagkakaroon ng kalinawan ang mga nangyari kay Yoo Se-yeop sa Poong, the Joseon Psychiatrist noong nasa palasyo pa siya at sa pagdating ni Wol, ang tagatikim ng pagkain sa Royal Palace ng hari, malalaman na kaya ni Yoo Se-yeop ang nagbabadyang katotohanan sa pagkamatay ng hari at kung sino ang totoong may sala?

Patuloy na sinusubukang gamutin nina Yoo Se-poong at Gye Ji-han ang pasyente nilang ayaw magsalita, si Wol, ang tagakusina na nais ipagamot ng prinsipe sa kanya. Ayon kay Poong, ay maaaring na-trauma.

Nang sinubukang kumuha ni Ji-han ng panggamot ay biglang natakot ang pasyente kaya't hindi na nila itinuloy ang binabalak na panggagamot.

Samantala, nagbalik naman sa Gyesu Village si Im Soon-man. Kinumpronta siya ni lola, ni Ip-Bun na anak ni Ji-han, ni Man-bok, at ni Nam-hae para alamin ang sadya nito.

Ayon naman dito, gusto lang niya magpagamot pero ang totoo ay gusto niyang malaman kung sino ang bagong pasyente nila.

Isa namang bagong conspiracy ang nagaganap kung saan pinaplano ng pinuno sa Royal Palace ang pagpaslang kay Yoo Se-yeop. Hindi man nagtagumpay ang anak niya sa pagpaslang dahil umano sa konsensya, itutuloy pa rin nila ang planong pagpatay sa mangagamot.

Para matakasan ng mga nagtatangka sa buhay niya, sinubukan ni Poong magtago sa kagubatan kasama si Wol. Dito, nakita niya si Seo Eun-woo. Sinabi nito na maaaring nakatakas na nga si Wol, pero nag-alala pa rin ang mga ito.

Pagbalik nila sa Village, nakita nila ang isang tao na naglapag ng banig sa harap ng pinuno. Sa loob, kita ang bangkay ni Wol na maaari sanang makapagsabi ng katotohanan sa nangyari sa Hari ng Royal Palace.

Malalaman pa ba ni Poong ang katotohanan sa nangyari sa hari at sa kanya?

KILALANIN ANG MGA KARAKTER NG POONG, THE JOSEON PSYCHIATRIST SA GALLERY NA ITO: