GMA Logo Yoo Se-poong at Seo Eun-woo
What's Hot

Poong, the Joseon Psychiatrist: Imbestigasyon sa mga misteryo ng Gyesu Village | Week 2 recap

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2023 6:51 PM PHT
Updated February 13, 2023 12:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Yoo Se-poong at Seo Eun-woo


Lead: Ano ang mga misteryo na kailangang lutasin nina Yoo Se-poong at Seo Eun-woo sa Gyesu Village?

Last week sa Poong, the Joseon Psychiatrist, mas nakilala pa natin ang iba't ibang characters na nakasama ni Yoo Se-poong, at ang mga adventures niya sa Gyesyu Village.

Habang nasa village, nakita nina Seo Eun-woo at Yoo Se-poong ang isang Royal Inspector na si Cho Shin-woo, na sinita ni Poong sa pagsama kay Eun-woo kahit pa kasal na ito.

At kahit pa sinabi ni Poong na sinasamahan lang niya ang pasyente, nagbabala si Shin-woo na maaari silang pag-usapan ng mga tao. Pero 'di nagpatinag si Poong at sinagot ito na hindi siya magiging mabuting doktor kung pababayaan lang ang pasyente.

Sa morgue, pinayagan ai Eun-woo na imbestigahan ang isang patay. Dito, nagbigay ng mga inconsistencies ang dalaga sa pagitan ng bangkay noong nakaraang taon at ang ineeksamin niya, at nasabi na maaaring sinadya ang pagpatay at hindi lang isang aksidente.

Pinuntahan ang tanggapan ni Hepe Im Soon-man at isang punong tigasiyasat galing Hanyang, si Cho Shin-woo. Dahil hindi pwede makita ang dalawa sa tanggapan, naisipan ni Yoo na magtago sila ni Eun-woo.

Sa tulong ni Jang-goon, isang bata na namamahala sa medicine warehouse ng Gyesu Clinic ni Gye Ji-han ay natunton nila ang lahat ng mga tala ng mga pasyente sa araw na nandoon si Eun-woo.

Ayon kay Yoo, hindi si Yon-hi ang unang pinaghihinalaan ng mga tao, ang may saralin sa pagpatay at ginamit lang ang kondisyon nitong naglalakad ng tulog. Sinabi ni Poong na maaaring isa sa mga pasyente nung araw na iyon ang may salarin dahil narinig nila ang kundisyon ni Yon-hi at nalaman ang tunay na may salarin.

Pinuntahan ni Eun-woo ang hinihinala nilang may salarin. Ipinaalam ni Eun-woo na nakita niya ang isang dokumento na nagsasaad ng mga pangalan ng nagnanakaw sa hari, at parte ng isang palaso na ginamit sa pagpatay sa loob ng templo.

Sinubukang patayin si Eun-woo ng salarin, pero bago pa niya ito natuluyan ay dumating na si Yoo, ang kasamahan niyang si Man-bok, at si Shin-woo para hulihin ang salarin.

Bumalik ang multo ng nakaraan ni Yoo nang kumprontahin siya sa pagkamtay ng dating hari sa Hanyang. Inalok siya ng mayamang negosyante na sumunod sa kanya para makuha muli ang karangyaan na dinanas niya noon sa palasyo, ngunit na-realize ni Yoo na hindi na niya 'yun makukuha at siya ay umalis.

Samantala, sinubukan namang bisitahin ni Shin-woo si Eun-woo na may dalang mga bulaklak ngunit ang hindi niya alam ay lumabas pala ito at nasa likod na niya.

Dumating ang araw na ang mismong mangagamot ay kailangan din magamot at ang isa sa mga naisip ni Man-bok ay ang pagkain ng kuneho. Ngunit kahit pinaniniwalaan nitong makagagaling ang mga kuneho, sapat na para kay Poong ang mga halamang gamot.

Pero dahil hindi pumayag si Yoo at si Jang-goon na kainin ang kuneho, napilitan magpunta sa kagbutana si Man-bok para maghanap ng mga halamang gamot.

Sa kagubatan, nakita niya ang isang binata at dalagang tumatakbo at lumapit para tumulong nang bumagsak ang dalaga sa pagod.

Kahit nagpakita ng kagandahang-loob si Man-bok, nasuklian naman siya ng karahasan nang magising siya katabi ng isang bangkay na inaakalang pinatay niya. Dahil dito, hinuli siya ng mga kapulisan at ikinulong.

Ready to help naman sina Yoo at Eun-woo para alamin ang tunay na nangyari. Sa tanggapan ng mga patay, sinimulan nilang imbestigahan ang bangkay para patunayan ang kawalan ng sala ni Man-bok.

Nakita ni Eun-woo ang tanda ng pananakal at sinabi naman ni Gye Ji-han na kaya pinukpok ang biktima sa ulo ay para mapagtakpan ito at masisi pa rin si Man-bok. Pero kahit may ebidensya na, itinuturing pa rin itong haka-haka at hindi mapakawalan si Man-bok.

Panoorin ang medical drama na Poong, the Joseon Psychiatrist, sa GMA, Mondays to Thursdays sa oras na 10:20 p,m, at Fridays, 10:35 p.m.

KILALANIN SI KIM HYANG-GI, ANG AKTRES NA GUMAGANAP BILANG SI SEO EUN-WOO: