
Nagbabalik sa Eat Bulaga stage ang dating host nila na si Philippine Concert Queen Pops Fernandez na nag-perform ngayong Sabado ng tanghali (May 20) kasama si Carren Eistrup.
Matapos ang kanilang duet, naka-chikahan ng mga dabarkads si Pops at dito niya naikuwento ang experience niya nang unang mag-guest sa longest running noon-time show.
Umabot ng halos isang taon na nagsilbing co-host ang OPM singer.
“Maraming-maraming salamat sa Eat Bulaga. One of my first guestings tintanong ko si Carren kung ilang taon na siya. Pareho kami, 14 right?” aniya.
“I was 13, 14 if I'm not mistaken when I first guested on Eat Bulaga. That was so memorable, because after that medyo tuloy-tuloy na 'yung aking career.”
Ibinahagi rin ni Pops Fernandez ang isang trivia tungkol sa kaniyang showbiz career at inilahad na minsan niya naging manager ang Eat Bulaga pioneer na si Tito Sotto.
Saad niya, “Ang OG ko naman pong manager is of course Ninong Sen, Tito [Sotto] ayan. Lahat naman po yata ng naging talent ni Ninong e, talaga naman po naging masuwerte. So, napakasuwerte ko po na ako po ay 'yung isa sa mga naging talents niya nu'ng araw. And again, thank you again to Eat Bulaga.”
Source: Eat Bulaga
Ano naman kaya ang sikreto niya sa kaniyang youthful glow?
“Manang-mana kasi ako kay Mama at kay Ninang Helen [Gamboa- Sotto], alam mo hindi nagbabago. 'Yan ang secret, kakapakinig ko sa kanila nu'ng bata ako na-imbibed ko yata ang mga sinasabi nilang secret formula sa beauty,” sabi niya sa mga dabarkads.
KILALANIN ANG IBANG CELEBRITIES NA NAGSIMULA SA EAT BULAGA: