
Kinasabikan at pinag-usapan ng mga netizen na mahilig sa contact sports ang post na “tinatanggap ko” ng Irish professional mixed martial artist at boxer na si Conor McGregor nitong Sabado, August 1.
Sa kanyang Twitter account ipinost ng MMA superstar ang naturang pahayag.
tinatanggap ko
-- Conor McGregor (@TheNotoriousMMA) July 31, 2020
Pakiwari ng marami, ang mensahe ay sagot ni Conor sa halos dalawang taon nang paanyaya ng kampo ni eight weight division world boxing champion at Senador Manny Pacquiao.
Ayon sa ulat ni Chino Trinidad para sa 24 Oras, malaki ang tyansa na magtagpo sa ring ang dalawang atleta lalo pa kapwa silang nasa ilalim ng iisang promotional outfit na Paradigm.
Dagdag pa ng broadcast journalist, inanunsiyo kamakailan ni American boxer Floyd Mayweather na wala na siyang interes na makipagtunggali pa kina Manny at Conor.
Sources: mannypacquiao (IG) ; thenotoriousmma (IG)
Samantala, dahil sa COVID-19 pandemic, pinag-iisipan ng presidente ng MP Promotions na si Sean Gibbons na lumaban muna si Manny sa isang exhibition match.
Ito ay dahil mahigit isang taon na mula nang huling sumabak sa laban ang Pambansang Kamao. Ang huli niyang nakatunggali ay si Keith Thurman.