
Exciting weekend adventure ang handog sa atin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Sa episode ngayong January 31 mapapanood natin si Dingdong na maghatid ng exciting na mga kuwento mula sa San Antonio, Zambales.
Makakasama natin sa Biyernes ang Queendom diva na si Jessica Villarubin. May adventure siya on a speedboat sa Silanguin Island Cove. May magpapakilig pa raw kay Jessica? Kilalanin kung sino ito sa Biyernes.
Mula naman sa Sarangani, Mindanao ang kuwento ng unforgettable wedding nina Kareen Poncardas at kaniyang groom mula sa United Kingdom na si Jack Ebbage. Ito ay dahil sa araw ng kanilang kasal ay nakaranas sila ng malakas na lindol.
Tampok pa sa episode na ito ang mga exciting na kuwento ng award-winning host na si Dingdong mula sa nature documentary na “Wild Family Ties: A Guide to Good Parenting.”
Tutukan ang lahat ng ito sa Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: