Ngayong Miyerkules, abangan ang combined powers ng magkapatid na Almonia.
By AEDRIANNE ACAR
Painit nang painit ang tagisan ng talento sa Bet ng Bayan.
Ngayong Miyerkules ng gabi, mapapanood niyo ang world-class dance group na BOYZ UNLIMITED na pasok sa provincial round sa Pangasinan.
Dalawang beses na sumabak ang naturang grupo sa international hiphop contest sa Sydney, Australia. Magtuloy-tuloy kaya ang kanilang suwerte at masungkit ang titulong Bet ng Bayan grand champion sa sayawan?
Umaatikabong bakbakan naman ang masisilayan sa Baguio provincial showdown dahil maghaharap-harap ang mga Bet ng Bayan contestants mula Ilocos at Benguet.
Kasama sa sasabak ang magkapatid na Almonia ng Baguio City na sina Vernon at Vangelyn. Siguradong maaantig din ang inyong damdamin sa kanilang kuwento.
Subaybayan ang Bet ng Bayan daily updates hosted by Kapuso drama actor Alden Richards sa GMA Telebabad pagkatapos ng Ilustrado.