What's Hot

Power-packed 'Superhero Sunday' with 'Dragon Ball Z: The Strongest Rivals' this September 28

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 28, 2020 1:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Haharapin ng all-time favorite superhero natin na si Goku ang mga bagong kalaban sa 'Dragon Ball Z: The Strongest Rivals' ngayong Linggo, September 28 at 10:45 am.
By AEDRIANNE ACAR

 
Another action-packed Sunday morning ang inyong matutunghayan ngayong September 28 dahil handog ng inyong Kapuso network ang isa na namang umaatikabong bakbakan sa Superhero Sunday.
 
Haharapin ng all-time favorite superhero natin na si Goku ang mga bagong kalaban sa Dragon Ball Z: The Strongest Rivals.
 
Kasama sina Gohan, Krillin at Piccolo, susubukan nilang pigilan ang puwersa ni Cooler na maghasik ng lagim at takot sa planetang Earth. Si Cooler ang nakatatandang kapatid ni Frieza na siyang sumira sa planetang Vegeta. Hangad niya na maipaghiganti ang pagkatalo ng kanyang kapatid kay Goku.
 
Katuwang ang mga alagad niyang sina Doore, Neiz at Salza, magawa kaya nina Goku na matapatan ang kapangyarihan ng mga kalaban at mailigtas ang buong sangkatauhan?
 
Kaya huwag palampasin ang super intense na labanang ito ngayong September 28 sa Superhero Sunday, 10:45 AM pagkatapos ng iBilib, dito lang sa GMA!