What's on TV

Prank video ng 'Return To Paradise' cast, kinagigiliwan ng netizens!

By Dianne Mariano
Published September 15, 2022 12:27 PM PHT
Updated September 15, 2022 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

return to paradise


Napanood n'yo na ba ang prank video nina 'Return To Paradise' stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Eula Valdes, at Teresa Loyzaga?

Pinatunayan nina Return To Paradise stars Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Eula Valdes, at Teresa Loyzaga na hindi lamang sila magagaling na aktor dahil certified pranksters din sila.

Nito lamang September 14, in-upload ng GMA Drama at GMA Network sa social media ang isang prank video, kung saan sina Derrick at Elle ang pranksters at kasabwat nila sina Eula at Teresa.

Ang target naman ng mga prankster ay ang direktor ng Return To Paradise na si Don Michael Perez at executive producer na si Nieva Magpayo.

Mapapanood dito na kunwaring sinesermonan ng mga batikang aktres ang lead stars dahil kulang daw sila sa pokus at naghaharutan. Makikita rin na nagpapaliwanag sina Derrick at Elle sa kanilang dalawa.

Naging matagumpay naman ang misyon nina Derrick, Elle, Eula, at Teresa dahil napaniwala nila ang kanilang direktor at executive producer.

“It's a prank!” sigaw nilang apat sa huli.

Napaniwala rin ang netizens at humanga pa sa galing ng pag-arte ng cast sa kanilang prank video.

PHOTO COURTESY: GMA Drama at GMA Network (FB)

Panoorin ang prank video ng Return To Paradise cast sa video na ito.

Subaybayan ang Return To Paradise tuwing Lunes hanggang Biyernes sa oras na 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO: