What's on TV

'Pranking in Tandem' victim ng 'TBATS', napa-walkout sa takot?| Ep. 33

By Cherry Sun
Published September 30, 2019 3:34 PM PHT
Updated October 2, 2019 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carlos Yulo, OAJLP Gymnastique advance to finals of Top 12 series in France
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News



intense na laugh trip ang hatid ng 'The Boobay and Tekla Show' sa episode noong Linggo, September 29, dahil pati ang 'Pranking in Tandem' victim hindi kinaya ang mga eksena!

Intense na laugh trip ang hatid ng The Boobay and Tekla Show sa episode noong Linggo, September 29, dahil pati ang 'Pranking in Tandem' victim hindi kinaya ang mga eksena!

Isang applicant para maging personal driver ang nabiktima ni Gladys Guevarra sa 'Pranking in Tandem' segment. Ano ang mangyayari kung mauwi sa isang krimen ang kanyang job interview?

Bumida naman sa segment na 'Humanap ka ng puppet' ang One of the Baes stars na sina Ken Chan at Rita Daniela. At talagang nagpakilig ang #RitKen love team sa challenge ng fun-tastic duo.

Star-studded din ang 'The Whisper Challenge' dahil kakampi ni Boobay sina Migo Adecer at Manolo Pedrosa habang Team Tekla naman sina Kyline Alcantara at Kate Valdez. Kaninong team ang may pinaka-nakakalokang hula at sino naman kaya ang magwawagi?

“Jojowain o totropahin?” Ito naman ang tanong na sinagot ng mga Kapuso sa kalsada sa 'TBATS on the Street.' Ano-ano kaya ang sagot nila pag makita ang litrato nina Mayor Vico Sotto, Solenn Heussaff, Jose Manalo, Kris Aquino, Tekla at Boobay?

Tampok naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho parody tungkol sa isang misis na sumugod sa kasal ng kanyang asawa at kabit nito. Sundan ang kuwento nina Via at Jerald.

Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!