
Inamin ni dating beauty queen Precious Lara Quigaman na inilihim niya ang kanyang third pregnancy sa asawang si Kapuso actor Marco Alcaraz.
Inanunsiyo ng mag-asawa ang magandang balita sa kanilang kauna-kaunahang vlog nitong April 30.
“Eighteen weeks na ako today. Na-surprise talaga ako ng bonggang-bongga,” sabi ni Lara.
“We are grateful. Alam po namin na ang dami-daming nangyayari [na] hindi maganda ngayon sa paligid natin pero this is something we are truly grateful for,” dagdag pa niya.
Samantala, sa pangalawa nilang vlog sa The Alcaraz Youtube channel, ibinahagi ni Lara na labis siyang nabigla nang malaman niyang buntis siya.
“Sobra talaga akong na-shock. Sobrang akong natulala. Sobra akong naiyak. Parang medyo gulat na gulat lang ako na natulala ako for a few seconds,” aniya.
Inamin din niyang inilihim muna niya kay Marco na nagdadalantao siya.
“Hindi ko masabi. Hindi ko masabi kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Marco.
“Ang usapan kasi namin na hindi muna magbe-baby ulit. Hindi muna susundan si Tobias kasi nga may mga trabaho na naka-lineup.
“So hindi ko alam baka magalit si Marco. Hindi ko alam kung anong maiisip [niya]. Iniisip ko rin na sobrang baby pa ni Tobias para masundan ulit,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan ay 19 weeks nang buntis si Lara ngunit hindi pa nila alam kung anong gender ng baby nila.
Anila, payo umano ng mga doktor na magpunta lamang sa ospital kung emergency ang sitwasyon.
Samantala, may dalawang baby boys na sina Lara at Marco, ang seven-year-old na si Noah at one-year-old na si Tobias.
Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz's adorable son Noah