GMA Logo rita daniela
Image Source: missritadaniela (Instagram)
Celebrity Life

Preggy Rita Daniela, ramdam na ramdam na ang mga pagbabago katawan

By Nherz Almo
Published July 16, 2022 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela


Tuloy pa rin sa trabaho si Rita Daniela sa gitna ng pagbubuntis pero may karagdagang pag-iingat na ngayon, "You really have to be extra careful kapag preggy ka."

Itinuturing ni Rita Daniela na katuparang ng isa sa mga pangarap niya ang kanyang pagbubuntis.

Sa panayam ng Kapuso Insider sa actress-singer, nabanggit niya na bata pa lamang ay pinangarap na niya ang maging isang ina.

"I'm very, very excited and happy kasi this is really a different, new chapter, new phase of my life. Hindi siya mapapalitan ng kahit na ano. Hindi siya matutumbasan, e, ng kahit na ano. Excited talaga ako to be a mom kasi nga, ever since I was a kid, I dreamed to be a mom," pahayag ni Rita.

Ikinatuwa rin ito ni Rita dahil sa wakas ay nagkaroon na siya ng pagkakataong maranasan sa tunay na buhay ang dating inaarte lamang niya sa telebisyon. Matatandaan na sa huling dalawang TV series niya, ang My Special Tatay (2018) at Ang Dalawang Ikaw (2021), gumanap si Rita bilang babaeng buntis.

"Nakakatawa kasi parang dalawang beses na ata akong nag-portray ng nanay, na talagang ang laki ng tiyan ko. Ngayon, sabi ko, 'Finally, mae-experience ko na yung pino-portray ko lang dati.' Ito na yung totoo, lumalaki na yung tiyan ko talaga. Ganun pala yung feeling," sabi ng 26-year-old Kapuso actress.

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)

Sa ngayon daw ay ramdam na ramdam na ni Rita ang mga pagbabago sa kanyang katawan.

Kuwento niya, "Yung sinasabi nilang hormones, ramdam na ramdam ko na talaga siya. 'Tapos, yung pagbabago sa physical, ang laki rin. Kasi ako, I've always been on the bigger side, so nararamdaman ko talaga na yung balakang ko mas lumalaki, masakit yung likod ko kasi yung hinaharap medyo na-bless tayo ni God diyan. Siyempre, because of the hormones, lahat, adjusting, siyempre, lumalaki rin ang tiyan kaya sumasakit din ang katawan ko.

Sa kabila ng mga ito, sinabi ni Rita na tuloy pa rin siya sa trabaho ngunit may kasamang dagdag na pag-iingat na.

"Napansin ko lang din na mabilis akong mapagod," paglalahad ni Rita,

"Una, hindi ko pa matanggap as in tinodo ko pa yung sarili ko, hindi ako papayag because ayaw kong maging tamad na buntis. Kaya sabi ko noong una, hindi, hindi 'yan. Kaso pagpinu-push ko, bumibigay yung katawan ko. Talagang pagod na pagod ako, hindi ako makabangon. So, totoo pala talaga siya na you really have to be extra careful kapag preggy ka."

Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Rita Daniela sa Kapuso Insider:

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG MGA LARAWAN NI RITA DANIELA SIMULA NOONG CHILD STAR PA LAMANG SIYA: