GMA Logo Chariz Solomon showing off her baby bump
Celebrity Life

Pregnant Chariz Solomon flaunts imperfections in an unfiltered photo

By Jansen Ramos
Published September 24, 2020 12:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Chariz Solomon showing off her baby bump


Nakatakdang isilang ni Chariz Solomon ang kanyang ikatlong anak sa katapusan ng buwan.

Proud na ipinakita ng expectant mom na si Chariz Solomon ang kanyang imperfections sa isang Instagram post noong September 15.

Ishinare ng Kapuso actress ang isang unfiltered photo kung saan kita ang kanyang stretch marks, linea nigra, at discoloration sa kanyang kili-kili na dulot ng kanyang pagbubuntis.

Kaya pa ba ng tyan ko? Di ko alam kanino ako maaawa. Kung sa sarili ko ba o sa anak kong sikip na sikip na. #babyTminus 15days

A post shared by Chariz Solomon (@chariz_solomon) on

Ika ni Chariz sa caption, "Kaya pa ba ng tiyan ko?

"'Di ko alam kanino ako maaawa. Kung sa sarili ko ba o sa anak kong sikip na sikip na."

Nakatakdang isilang ni Chariz ang kanyang ikatlong anak na kung tawagin niya ay Baby T sa katapusan ng buwan.

Pregnant Chariz Solomon with her two sons Apollo and Ali

Source: Chariz Solomon's Instagram account

Kinumpirma niya ang kanyang third pregnancy sa kanyang 31st birthday noong August 22 na siya ring ika-walong buwan ng kanyang pagbubuntis.

Sina Apollo at Ali ang dalawang nakatatandang anak ni Chariz.