
Nadine prays for her baby to be safe.
Nito lamang Biyernes (April 1) nag-post sa Instagram ang former StarStruck finalist na si Nadine Samonte ng kaniyang photo sa ospital. Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Nadine ang una nilang anak ng mister niya na si Richard Chua.
Nagpahiwatig ang aktres na tila maselan ang lagay ng kaniyang pagbubuntis at humingi ito ng dasal sa Panginoon na maging maayos ang lahat lalo na ang kanilang baby.
Saad ni Nadine, “I know God will guide me and our little baby i just have to be positive and have faith in him all the time i hope after this everything will be okay. Lord wag nyo po kami pababayaan ni baby pls wrap your arms around our little angel???? #Godisgood #bepositive”
Matatandaan na noong nakaraang Pebrero, masayang ibinalita ni Nadine na malapit na siyang maging mommy. Ikinasal si Nadine at si Richard noong October 30, 2013 sa Zambales.