GMA Logo Lolong
What's on TV

Premiere ng 'Lolong,' pumalo sa ratings at trending pa!

By Marah Ruiz
Published July 5, 2022 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong


Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood on air at online sa world premiere ng 'Lolong.'

Kahapon, July 4, nagsimula ang dambuhalang adventure-serye sa primetime, ang Lolong.

Sa unang episode ng much-awaited action adventure series, ipinakita kaagad ang matinding bakbakan ni Lolong, played by Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, at ng ilang armadong lalaki.

Ipinakita rin dito ang kabataan ni Lolong, partikular ang pamilya at mga kaibigan na humubog sa kaniya.

Mainit naman ang naging pagtanggap ng mga manoonood at pati ng mga netizens sa pilot episode ng serye.

Sa katunayan, nagtala ito ng 17.7% na ratings ayon sa tala ng Nielsen Philippines.

Bukod dito, naging top trending topic din sa Twitter Philippines and official hashtag nitong #LolongPremiere.

Maraming natanggap na papuri ang show at ang lead star nitong si Ruru Madrid.

Natuwa rin ang marami sa magandang kuwento at mga aral na dala nito.

Kamangha-mangha rin daw ang visuals nito.

Pinuri rin ng netizens ang star-studded premiere ng show. Bukod kasi sa cast nito, marami ring A-list stars na may cameo roles sa episode tulad nina Mon Confiado, Ryan Eigenmann, Gina Pareño, at Pokwang.

Naging kapansin pansin din ang husay ng young actor na si Zyren dela Cruz na gumanap bilang ang batang Lolong.

Marami pang mga dambuhalang sorpresa ang dapat abangan sa Lolong. Patuloy na tumutok dito Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.