GMA Logo Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's on TV

Premiere ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2,' mapapanood na mamaya!

By Dianne Mariano
Published February 4, 2024 3:31 PM PHT
Updated February 4, 2024 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2


Sabay-sabay nating panoorin ang premiere ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2' mamayang gabi sa GMA.

Humanda na sa mas level up na aksyon at katatawanan dahil mapapanood na mamayang gabi ang season two ng action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pagbibidahan nina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.

Magsisimula ang kuwento ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 na pansamantalang magpapalit ng mundo ang mag-asawang Bartolome at Gloria Reynaldo.

Panoorin sa serye kung paano makakabalik sa pagka-pulis si Tolome at mababalik sa dati ang mundo nila ng kanyang misis.

Kabilang din sa stellar cast sina Carmi Martin, Jestoni Alarcon, Ejay Falcon, Liezel Lopez, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Raphael Landicho, Nikki Co, Angel Leighton, at Jeffrey Tam.

May special participation sa action-comedy series sina Max Collins, Kelvin Miranda, Herlene Budol, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Celeste Cortesi, Mika Salamanca, at Sanya Lopez.

Mayroon ding guest appearance dito sina ER Ejercito, Roi Vinzon, Jay Manalo, Ramon Christopher Gutierrez, Antonio Aquitania, Brent Valdez, MJ Ordillano, at Michael De Mesa.

Huwag palampasin ang premiere ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 ngayong Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.