Article Inside Page
Showbiz News
Noong late '80s kinilala sila Manilyn Reynes, Tina Paner, and Sheryl Cruz as the Triplets.
Noong late '80s kinilala sila Manilyn Reynes, Tina Paner, and Sheryl Cruz as the Triplets. This group has long been disbanded at nagkanya-kanya na pagdating sa kanilang mga career. Ngayong 2009, may panibago na namang grupo na nagpapakilala as the Triplets. Kilalanin kung sino nga ba sila. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Sa pinakabagong show ni
Joey de Leon (a.k.a. Inspector Joey Talas), ang
Joey's Quirky World, ipinakikilala ang bagong Triplets—sina Cookie, Boobay, at Belli.
Ang pagsasama-sama nitong tatlo ay maaaring ngayon lang nangyari sa show na ito, but they are relative comedic veterans when it comes to their characters.
As a matter of fact, both
Mike "Pekto" Nacua, who plays Cookie, and John Feir, as Belli, teamed up with the famous trio of Lollipop, Donut, and Popsicle (
Janno Gibbs,
Anjo Yllana and
Joey de Leon, respectively) in the now-defunct
Nuts Entertainment, which complemented the humor to the already knee-slapping segment
'Balakubak (Balita at Kwentong Bakla).'
Si Norman Balbuena naman, more popularly know as Boobay, ay ang maituturing na baguhan sa kanilang grupo. Pero he has been in the comedy circuit for quite some time, hosting and performing in bars and at events.
Ano nga ba ang papel ng three-headed character na ito sa show na nagbibigay sa atin ng katawa-tawa at nakakaaliw na mga videos from all over the world?
"Meron kaming gagawin na mga kakaiba," ang panimulang kuwento ng tatlo. Being a "three-headed gypsy," ang Triplets ay mag-iintroduce ng bawa't featured quirky video na by taking turns on each word of a sentence and then giving the viewers the lowdown for each segment, kung saan nila in-eexplain ang facts ng video.
Idinagdag pa nila na ang segment nila ang magpapakita ng mga quirks ng mga Pinoy, kaya naman lagi silang on the road para makihalubilo sa mga iba't-ibang tao from all walks of life.
Nang tinanong namin sila kung ano ang naging reaksyon ng mga tao sa three-headed being ng
Joey's QuirkyWorld, ito ang sagot ng tatlo: "Well, sila ay natutuwa naman at namamangha sa amin dahil kami ay tatlong triplets (laughs)! Wala naman dalawang triplets, 'di ba? Parang maliit na unano."
Siguradong kababaliwan ng mga manonood ang mga antics at pakulo ng tatlong komedyanteng ito every week!
"Sa aming mga viewers, manood kayo palagi ng
Joey's Quirky World!" ang sabay-sabay na paanyaya ng Triplets. Kaya every Sunday, bago mag-
SOP, treat yourselves to a world of quirks and laughter only the Kapuso Network can offer.
Pag-usapan ang Triplets by logging on to the
iGMA Forum! Not yet a member? Register
here!