
Magiging dance floor ang survey board sa pagpapatuloy ng espesyal na fourth anniversary ng Family Feud ngayong Biyernes, March 6.
Four-ever na tawa at four-ever ang saya na masasaksihan dahil maglalaro ang isang prima ballerina na kinikilala sa larangan ng classical ballet laban sa isang pop dance icon na nagpasiklab noong '80s at '90s.
Mangunguna sa Ballet Manila ang tinaguriang “People's Ballerina” na si Lisa Macuja-Elizalde. Siya ang CEO at Artistic Director ng Ballet Manila, na pinakamalaking classical ballet company sa bansa.
Kasama niya sa team Ballet Manila ang kaniyang anak at lawyer specializing sa public interest and child welfare na si Missy Elizalde; ang beteranong soloist ng Ballet Manila na si Rodney Catubay; at ang isa pang standout Ballet Manila soloist na si Paeng Perez.
Makakatapat nila sa Team Solid Gold, ang grupong nagbigay-buhay sa pop dance culture sa telebisyon. Sila ay nabuo noong 1984 at naging mahalagang bahagi ng Philippine entertainment sa loob ng maraming dekada.
Mamumuno sa Team Solid Gold ang visionary founder, seasoned choreographer, and stage director na si Mel Feliciano. Makakasama niya ang veteran freelance theater artist na si Dindo Divinagracia; ang successful businesswoman and proud mother of two na si Emily Samson; at ang entrepreneur and mother of three na si Julie Gutierrez.
Abangan ang winning moves na inihanda ng Ballet Manila at Team Solid Gold sa Family Feud ngayong March 6, 5:40 p.m. sa GMA.
Huwag kalimutang sumali sa mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud.
Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Hating Kapatid, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, Delightfully Deceitful, Encantadia Chronicles: Sang'gre, at Never Say Die.