
Sa ika-siyam na linggo ng ikalawang season ng Prima Donnas, sirang-sira na ang relasyon nina Jaime (Wendell Ramos) at Lilian (Katrina Halili) dahil sa mga plano nina Bethany (Sheryl Cruz) at Ruben (James Blanco).
May lamat na ang relasyon ng dalawa dahil pinagseselosan na ni Jaime si Ruben. Ngayon, nagkaroon ng rason si Jaime upang mas lalong magalit nang makita niyang naka-tuwalya lang si Ruben habang kakaligo lang ni Lilian.
Sa Youth For Peace, nagseselos na rin si Donna Marie (Jillian Ward) dahil pinipilit ni Brianna (Elijah Alejo) na maging malapit siya kay Cedric (Vince Crisostomo).
Bukod kina Jaime at Lilian, nalason na rin ni Bethany ang utak ni Lady Prima (Chanda Romero) kaya kahit anong paliwanag ni Lilian na walang nangyayari sa kanila ni Ruben ay hindi ito naniniwala.
Naging maayos na ang relasyon nina Lilian at Lady Prima nang mahimasmasan sila pareho at nakapag-usap nang wala si Bethany. Ang hindi nila alam, may masamang ginawa si Bethany kay Jaime dahil inakit niya ito.
Nang puntahan ni Lilian si Jaime sa hotel, nakita niyang may kasama itong babae ngunit hindi niya nakita ang mukha nito.
Sa Youth For Peace, nagpapanggap pa rin si Brianna na bati na sila ni Donna Marie pero patalikod niya pa rin itong sinisira.
Panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos Eat Bulaga.
Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter sa bagong season ng Prima Donnas dito: