GMA Logo Prima Donnas
What's on TV

Prima Donnas 2: Pagpapanggap ni Kendra bilang Bethany

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 2, 2022 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Prima Donnas


Balikan ang mga naganap sa nakaraang episode ng 'Prima Donnas' DITO.

Sa ikalimang linggo ng ikalawang season ng Prima Donnas, nagsimula na ang pagpapanggap ni Kendra (Sheryl Cruz) bilang si Bethany.

Sa inaakalang pagkamatay ng totoong Kendra (Aiko Melendez), nagluluksa ang kanyang nag-iisang anak na si Brianna (Elijah Alejo). Pero kahit pa ganoon ang sitwasyon, ayaw pa rin makipag-ayos ni Donna Lyn (Sofia Pablo) sa kanya.

Nagpapagaling na si Bethany sa ospital pero nang dalawin ito nina Donna Lyn, Lady Prima (Chanda Romero), at Jaime (Wendell Ramos) ay nag-iba ang ugali nito.

Dahil sa matinding pinagdadaanan ni Brianna sa pagkamatay ng kanyang ina, naisipan nina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn na i-surprise ito ng isang pajama party kasama ang kanilang mga kaibigan.

Samantala, nasa ospital pa si Kendra pero nagsisimula na siya sa paghihiganti sa mga Claveria, lalo na sa mapapangasawa ni Jaime na si Lilian (Katrina Halili).

Sa pag-aakala nilang si Bethany pa rin ang nakaligtas sa sunog, inimbitahan ito ni Lady Prima na tumira muna sa kanilang bahay habang nagpapagaling.

Sa pagdating ni Kendra sa bahay ng mga Claveria, marami ang nakapansin na naging katulad na niya si Kendra at may mga alam ito na si Kendra lang ang nakakaalam.


Panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos Eat Bulaga.

Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter sa bagong season ng Prima Donnas dito: