GMA Logo Elijah Alejo and Sheryl Cruz in Prima Donnas
What's on TV

Prima Donnas 2: Reunion nina Kendra at Brianna

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 8, 2022 4:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Environmentalist sa Negros Oriental, Gipusil Patay | Balitang Bisdak
24 Oras Express: January 16, 2026 [HD]
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo and Sheryl Cruz in Prima Donnas


Umamin na si Bethany (Sheryl Cruz) kay Brianna (Elijah Alejo) na siya si Kendra! Balikan kung ano ang nangyari sa 'Prima Donnas' DITO.

Sa ikaanim na linggo ng ikalawang season ng Prima Donnas, napilitang umamin si Bethany (Sheryl Cruz) kay Brianna (Elijah Alejo) na siya ang ina nitong si Kendra (Aiko Melendez).

Mula kasi noong tumira si Bethany sa bahay ng mga Claveria ay masama ang naging tingin ni Brianna sa kanya dahil siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng ina niyang si Kendra.

Hindi na rin matiis ni Bethany si Brianna kaya naman nagpakilala na siya rito upang mayakap na niya ito nang mahigpit at para hindi niya sabihin kina Lady Prima (Chanda Romero) at Jaime (Wendell Ramos) ang tunay niyang pagkatao.

Ngayon alam na ni Brianna ang lahat, nagsimula na si Bethany sa kanyang paghihiganti sa mga Claveria. Unang nakatikim ng kanyang ganti si Lilian (Katrina Halili) na siyang humalili muna sa kumpanya ni Ruben (James Blanco) habang nagpapagaling ito.

Habang busy si Bethany sa paghihiganti, nagkaroon naman ng bagong pagkaabalahan sina Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), Donna Lyn (Sofia Pablo) at ang kanilang mga kaibigan sa Youth For Peace program.

Sa Youth For Peace, magkakaroon ng maliit na gulo sa pagitan ni Fonsie (Allen Ansay) at Hugo (Bruce Roeland). Samantala, ipinahamak na rin ni Bethany si Lilian sa harap ng kanilang kliyente sa negosyo.

Malakas ang kutob ni Lilian na si Bethany ang may kagagawan kaya siya binastos ng lalaki nilang kliyente kaya naman ay kokomprontahin na niya ito. Ano kaya ang mangyayari sa paghaharap nilang dalawa?

Panoorin ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos Eat Bulaga.

Samantala, kilalanin ang mga bagong karakter sa bagong season ng Prima Donnas dito: