GMA Logo Vince Crisostomo Will Ashley Julius Miguel and Miggs Cuaderno
What's on TV

'Prima Donnas' boys, nagpagalingan sa paglalagay ng lipstick habang naka-blindfold

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 1, 2020 7:28 PM PHT
Updated August 5, 2020 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Assumption Student Council backs call to remove Loren Legarda's portrait from honor wall
Kapin 1,000 Trabaho, Gitanyag alang sa mga Jobseeker sa Lapu-Lapu City | Balitang Bisdak
Grammys 2027 key dates you need to know

Article Inside Page


Showbiz News

Vince Crisostomo Will Ashley Julius Miguel and Miggs Cuaderno


Sino kaya kina Vince Crisostomo, Will Ashley, Julius Miguel, at Miggs Cuaderno ang mananalo sa paglalagay ng lipstick habang naka-blindfold?

Kakaibang challenge ang ibinigay nina Katrina Halili at Eunice Lagusad sa Prima Donnas boys sa 'Prima Donnas: Watch From Home' noong Biyernes, June 26.

Ang hamon nina Katrina at Eunice kina Vince Crisostomo, Will Ashley, Julius Miguel, at Miggs Crisostomo ay maglagay ng lipstick habang naka-blindfold sa loob ng 5 minuto.

Hindi naman sila pinabayaan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo dahil tinulungan nila ang mga ito sa paglalagay ng lipstick.

Sino kaya ang unang makakapaglagay ng lipstick kina Vince, Will, Julius at Miggs?

Panoorin:

Muling mapapanood ang ilang Prima Donnas stars sa isa na namang masayang kuwentuhan sa 'Prima Donnas: Watch From Home' sa Biyernes, July 3, sa GMA Network YouTube channel, Facebook page at Twitter account.

Jillian Ward at Will Ashley, naging sina Kendra at Jaime sa 'Prima Donnas: Watch From Home'

'Prima Donnas' stars, masayang nagkulitan sa kanilang reunion